12 October 2008

Balik-loob

Ewan ko ba. Bago nanaman. Nahiligan ko nanamang mag-Blogspot dahil DSL na kami. Whoo! Palakpakan mo naman ako! Maging proud ka sa aking hayop ka! Sana'y matuwa ka sa bago NANAMAN na blog ko. Amp.

Nahirapan din ako sa header. Wala kasi kaming Photoshop. Taena naman, hindi ko kasi makita yung CD. Errness. Pinagtiyagaan ko na lang tuloy ang punyetang Powerpoint. Haha. Pwede na din. Edit-edit na lang. Kawawa naman akong bata.

Anyhoo, ayun. Hindi ko alam bakit ang daming tao ngayon na problemado sa pag-ibig. Una, ako, as usual, pero nakakapag-cope up naman ako kahit papaano. Ang masakit, yung apat kong matatalik na kaibigan. Hayst. Panahon yata ng mga bigo ngayon. Pero sa totoo lang, tama sila. Kung hindi ko sila sinunod, eh di hindi ako natuto. Ang kulit ko kasi. Tang ina, tama na nga yang pag-ibig na yan. Sumasaya na ako! Tska andyan naman si you know who :">
At advice lang sa mga nalilito, huwag ninyo ako gayahin. Bumibigay kaagad. Kailangan niyo talaga pakinggan yung puso niyo kasi dyan nanggaling ang lahat. Ako kasi nung huli, utak ginamit ko. Ayan, nagkanda gagu-gagu na. Haha. Tska bakit puso kaysa sa utak? Haller naman. Yung puso yung koneksyon natin kay GOD, saan ka pa dba? :)

Hindi parin ako makapag-laro ng PSP. Sikretong malupit kung bakit. Mahabang istorya.

Pupunta na ako sa main na usapan. Naiirita ako sa isa naming prof. Kasi naman, kailangan daw namin makapag-outreach every week tapos magsu-submit ng portfolio every week din. Naisip-isip ko, hindi porkit sa Benilde ako nag-aaral eh kaya namin gastuhan yun. Hindi naman sa ayaw ko tumulong, pero there's a big difference between KINDNESS and PANG-AABUSO. Hay Inday. Tsaka, hindi ako naniniwala na guro siya. Diba nga dapat, "I teach what I live, and I live what I teach". Sa case nya, sobrang baliktad.

Madaya din kahit papaano. Sembreak na ng ibang iskwelahan, at kami? ARAL PARIN! ANG SAYA DIBA? Pero sa totoo lang, mas gusto kong nasa iskwela ako. Bakit? Eh kasi mabilis ako ma-bore, at least pag nasa iskwela ako may mga kausap akong demonyo tska may mga kagaguhan ako. [dyan ako magaling. :))]

Nakakamiss na din mag-blog sa blogspot. At nakakamiss na rin basahin ang blog ng mga ka-berks ko. Haha. Sa susunod muli. Paalam! [parang Batibot lang]

22 comments:

Anonymous said...

amp ahhaa nakailan blogs ka na? =))

Unjerwearme said...

hindi ko na mabilang inday :))

Anonymous said...

hi ateh

istoker lang poh akow

-istalker

Anonymous said...

ahaha
joke lang
si lauren to :))
pang trip ko lang

Anonymous said...

Pinapalakpakan kita ANJE!!!!! and I misshoooo grabe! and pag ibig... uhhh comment uhmm, wla akong macomment ;P haha
alam mo ba, na gusto ni virge, na si sol ang cotillion partner ko??! kumusta naman! :)) wala lang! mwah mwah! hug hug

Unjerwearme said...

@Anonymous pero Lauren pala: akala ko naman may stalker na talaga ako. actually, madami sila, hindi ko na lang pinapansin. haha. sige, pagtritripan din kita. wag kang magyabang, matanda ka na! yuccck! :))

Unjerwearme said...

@Mel: SALAMAT SALAMAT! HAHA. I miss you more :( oo nga eh! haha. ang galing nya mag-partner! pero thank you dahil ang childhood sweetheart ko pala ang kaFARTner ko! :))

Cez said...

New blog again huh. hehe I really have to seize and savor every moment I have in school and with my friends. Four months na lang. Amp. Ka-sad.

Di ako gumawa nung cartoony images sa taas. It was my friend who did that. Pinagsama ko lang sa isang layout. Haha She used Photoshop, by the way.

Excited na din ako sa Fast&Furious4 pati sa Twilight. hehe :D Lapit na debut.

Unjerwearme said...

@Cez: Yeah nga eh. Hmm, yeah, but you can bond even after graduation, but yeah, the student spirit wouldn't be there with you anymore :(

Shucks, she's one heck of an artist! :)

YEAH! ME TOO! UBER! MUCH! :D yeah, having problems with the budget :|

Anonymous said...

hoy.. excuse me! okay naman kay mel na si sol ah?! hay mga tao naman oh.. at dudugo ang ilong ko sa iyo!!! tagalog na tagalog.. este filipinong filipino.. :)))

Anonymous said...

I know that pero once we have jobs already, it will be lessened. And I'll be missing a lot lalo na yung mga tambay and harutan moments. Yung mga moments na biglaang plano. Oh my. Kaiyak. Haha ;)

Magaling yun, swear. Passion nya eh. Kaya yun.

What's the problem with the budget?

Unjerwearme said...

@Virge: Haha. Wala naman akong sinabing hindi okay ah! :)) haha. eh title ng site ko Tagalog eh, kaya dapat Tagalog din. AND CORRECTION: It's TAGALOG not FILIPINO :P thanks Virge! Miss you muchhh >:D<

Unjerwearme said...

@Cez: OMFG, you're still up? Then you're not online?! ERR! HAHA!
awww. well, that's part of life. Bawian nyo na lang sa last sem! :) tae. galing naman nya.

I'm not rich. :))

SideWinderX said...

what the?!?! buhay ka na naman? tagal mo naghibernate ah, heheheh. Wow! naka DSL ka na ining.
prob sa pag-ibog? wag mo isipin yon pagpapalit ka lang naman nun sa bading.
Outreach suggestion ko sayo ay pumunta ka na lang sa blumentritt at offeran ang mga pedicab drivers doon na titirisan mo sila ng blackheads, beautification pa yan ng maynila di ba?

Unjerwearme said...
This comment has been removed by the author.
Unjerwearme said...

@Sidewinderx:YES THE! haha! oo. resurrected nanaman ang blog life ko. palakpakan mo naman ako! haha! mukha ka. feel ko bading din sya eh. ginago ako eh. tama ba naman yun?! hayaan na natin sya. kaya siguro malas sa lovelife yun eh. ANYHOO, balak ko sa Pasay na lang. mas madaming pedicab drivers dun :)) kung sa bagay, may point. kailangan din natin sila pagandahin! :) Miss you kuyaaaa! :D

Anonymous said...

Yeah, dapat talaga bumawi. Todo gala dapat. Haha :) Galing nya nuh? Elibs nga ako dun eh.

How do you want to celebrate your debut ba?

Unjerwearme said...

@Cez: HAHAH. ENJOY :P uhm, my theme is a street-party :) just around the house, and duh I'll close our street. As in normal inuman. The normal me. :P

Anonymous said...

Oh, that's a cool theme. Nakakatuwa naman. Hehe :) Unique pero at least, that's you diba?

Anonymous said...

mahal kong lalagyan ng leche flan,
mukhang kung ano ano nanaman nilagay mo dito. nagsabog ka na nga lang ng lagim, sa net pa.

Unjerwearme said...

@Icequeen006: mahal kong singkit. haha. matagal ko nang ginagawa yan. at sa naaalala ko, ikaw ang una kong nasabugan ng lagim :))

Unjerwearme said...

@Cez: YEP! So me! :))